
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Updated July 21, 2009 12:00 AM
Bukas, Wednesday ang balik nina Kris Bernal at Aljur Abrenica from Bohol kung saan sila nag-shooting ng I’ll Be Waiting For You ng Regal Entertainment. Napakaraming balita ng shooting sa Bohol, hindi lang ang sobrang PDA ng dalawa na ikina-turn off daw ng mga Boholanos at ang sunud-sunod na isyu kay Baron Geisler.
May tsika ring dumating sa Bohol si Rich Asuncion (na taga-Bohol talaga) at nakita silang magkasama ni Aljur sa isang restaurant. Alam kaya ito ni Kris? Paano nakawala sa kanya si Aljur at ano ang naging paalam?
Tinanong namin si Kris kung nai-insecure siya kay Rich dahil kahit siya ang official loveteam ni Aljur, si Rich naman daw ang real girlfriend ng actor?
Naalala naming matagal sumagot ng “hindi ako nai-insecure sa kanya” si Kris at sa follow-up question namin kung friends sila, “hindi” rin ang sagot nito.
“Pero ’pag nagkikita kami, nagkukumustahan naman kami,” bawi ni Kris.
Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=488684&publicationSubCategoryId=96
